Home HOME BANNER STORY ‘SONA ng Paniningil’ isinagawa sa QC

‘SONA ng Paniningil’ isinagawa sa QC

1
0

MANILA, Philippines – Nagsasagawa ng kilos-protesta ang mga grupong mula sa Southern Tagalog sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City ilang oras bago ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Lumahok ang iba’t ibang sektor sa ilalim ng temang “SONA ng Paniningil,” kung saan iginiit nila ang pananagutan, tunay na reporma at agarang pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng mamamayan.

Tinuligsa ng mga raliyista ang umano’y korapsyon sa pamahalaan, patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mababang sahod at malalang problema sa pagbaha. Winasak din nila ang isang effigy bilang bahagi ng kanilang protesta.

Ayon kay NCRPO Regional Director PBGen. Anthony Aberin, nananatiling mapayapa ang mga kilos-protesta at wala pang namomonitor na banta sa seguridad.

Hinimok din niya ang mga raliyista na sumunod sa umiiral na batas habang ipinatutupad ng pulisya ang maximum tolerance.

Inaasahang magbabalik ang mga demonstrador mamayang hapon upang ipagpatuloy ang kanilang programa kasabay ng mga aktibidad kaugnay ng SONA 2026. (Kathleen Calixto, Gabrielle Venus, Aerith Buyo, Eugie Alcoba, Orianna Santero, Geneva Ravina, John Dave Idaosos)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here