Home HOME BANNER STORY Pagsabog ng IED malapit sa DOJ, iniimbestigahan; walang sugatan

Pagsabog ng IED malapit sa DOJ, iniimbestigahan; walang sugatan

3
0

Manila, Philippines — Isang pagsabog na hinihinalang dulot ng improvised explosive device ang naganap malapit sa pasukan ng compound ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura Street sa Maynila pasado hatinggabi ng Lunes.

Ayon sa DOJ, naganap ang pagsabog bandang alas-12:17 ng madaling araw at wala namang naitalang nasugatan sa insidente.

“The situation is currently under control, and the DOJ compound remains secure,” ayon sa pahayag ng DOJ.

Nagsasagawa na ng technical examination ang Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal (PNP-EOD) Unit habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan at mga pangyayari kaugnay ng pagsabog.

“The DOJ remains committed to ensuring the safety and security of its personnel and the general public, while supporting a comprehensive and impartial investigation,” dagdag ng DOJ. Jocelyn Tabangcura Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here