Home NATIONWIDE Oil tanker nakasagasa ng Iran naval mine, sumabog, nagliyab

Oil tanker nakasagasa ng Iran naval mine, sumabog, nagliyab

1
0

IRAN – Sumabog at nagliyab kagabi ang isang oil tanker sa Strait of Hormuz makaraang makasagasa ng naval mine na ikinalat ng Iran sa nasabing karagatan.

Hindi pa nakikilala ang oil tanker ngunit dumaan umano ito sa ruta na hindi itinakda ng Iran papasok at palabas ng Persian Gulf.

Maaaring sumunod umano ito sa kautusan ng United States naval force na nagpipilit na sabayan ang Iran sa pagkontrol sa Strait of Hormuz.

May anim pang barko na nagtangkang tumawid ngunit bumalik sila makaraang makinig sa mga babala ng Iran Revolutionary Guard Corps na aatakehin sila kung magpatuloy sila sa paglalakbay, ayon sa Tasmin news agency.

Sa ngayon, pansamantalang tumigil ang pagbomba ng US sa Iran dahil umano sa kakapusan ng US ng mga armas laban sa Iran mula sa mga bansang kaalyado nito sa Persian Gulf gaya ng Kuwait, Bahrain, United Arab Emirates, Qatar, Jordan, Syria, Iraq at Saudi Arabia.

Kinapos ang mga armas makaraang masira ang 43 eroplano ng US sa mga base militar nito, kasama ang mga satellite, MQ9 drone at ammunition depot sa nasabing mga bansa.

Tuluyan ding inalis ng US ang mga eroplano nito sa mga base militar at inilipat sa ibang mga bansa gaya ng Israel upang malayo sa mga precision missile at drone ng Iran.

Samantala, tuloy-tuloy ang giyera sa pagitan ng Houthi sa Yemen at Saudi Arabia.

May ilang nang nasirang barko ng Saudi Arabia sa Red Sea at lumiliyab hanggang ngayon ang isang oil field ng Saudi Aramco malapit sa hangganan ng dalawang bansa.

Binobomba ng Saudi Arabia ang airport at lungsod ng Sanaa na kapital ng Yemen habang mini-missile at dino-drone din ng Houthi ang mga airport ng una. FRED CABALBAG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here