Home HOME BANNER STORY Karamihan sa minority senators ‘di dadalo sa SONA

Karamihan sa minority senators ‘di dadalo sa SONA

3
0

MANILA, Philippines – Hindi dadalo sa ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karamihan sa mga miyembro ng Senate minority bloc.

Ito ay dahil umano sa pagkadismaya ng mga ito sa detention ng ilang opposition lawmakers.

Sinabi nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senador Imee Marcos na hindi sila pisikal na dadalo sa SONA ng Pangulo sa Batasang Pambansa ngayong hapon ng Lunes, Hulyo 27.

Ani Imee, ganito rin umano ang naging desisyon nina Senador Loren Legarda, Pia Cayetano, at Robinhood Padilla.

“Hindi na siguro,” ani Senador Imee.

“Papakinggan yun nga lang, masama ang loob namin kasi pinagkukulong, kinakasuhan ang minority. ’Yun lang, parang di ko kaya,” dagdag pa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi dadalo si Imee sa SONA.

Noong 2025 ay pinili niya ring hindi dumalo at pakinggan ang speech ng kanyang kapatid.

“Nagtanungan lang kami ngayon. Walang usapan na mag-itim, na ‘di sisipot,” dagdag pa niya.

Wala pang impormasyon kung dadalo sina Senador Mark at Camille Villar sa SONA.

Naka-detain naman ngayon sina Senador Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta sa magkahiwalay na plunder charges. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here