Home NATIONWIDE Palasyo: 1 hour 20 minutes itatagal ng SONA ni PBBM

Palasyo: 1 hour 20 minutes itatagal ng SONA ni PBBM

2
0

MANILA, Philippines – TATAGAL ng isang oras at 20 minuto ang pang-5 State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nakatakdang ihayag ni Pangulong MArcos ang kanyang pang-5 SONA sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon ng alas-4:00 ng hapon.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ukol sa kung ano ang magiging paksa ng Pangulo sa kanyang SONA.

Noong nakaraang linggo sinabi ni Castro na makabubuti sa publiko na hintayin ang susunod na yugto ng ‘fight against corruption’ ng gobyerno.

Nagpahiwatig naman si Castro ng “earthshaking announcements” ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA na kahalintulad sa kanyang “Mahiya naman kayo remark.

Hindi rin nagbigay ang Malakanyang ng detalye ng isusuot ng First Couple, sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa nasabing event.

Inaasahan naman na aalis ng Malakanyang si Pangulong Marcos ng alas-3:30 ng hapon sakay ng presidential helicopter patungong Batasang Pambansa para ihatid ang kanyang SONA. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here