Home NATIONWIDE Castro hinikayat si VP Sara, tutukan SONA ni PBBM para malaman mga...

Castro hinikayat si VP Sara, tutukan SONA ni PBBM para malaman mga isyu ng bansa

1
0

MANILA, Philippines – UMAASA si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na tututukan ni Vice President Sara Duterte ang pang-limang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at iba pang isyu sa bansa.

Pahayag ito ni Castro matapos tanungin kung hihikayatin nitoto si VP Sara na i-monitor ang SONA matapos na tatlong beses itong lumiban sa pagdalo sa SONA.

“Alam mo sa mga bagay-bagay na ito, hindi lang SONA, sana tumutok ang bise presidente sa nangyayari talaga sa ating pamahalaan, sa ating mga kababayan kasi mukhang hindi sya updated sa lahat ng mga nangyayari kaya hindi niya alam kung ano ang mga programa ng pamahalaan,” ayon kay Castro.

“At sana tumutok siya para alamin din niya ‘yung paano ba siya makakatulong sa issue ng inflation, sa issue ng pagtaass ng fuel price, sa mga bagay bagay na ang pangulo lang ang pumapansan ngayon kasi lagi po siyang wala sa bansa,” aniya pa rin.

Samantala, hinikayat naman ni Castro ang publiko na ireport ang kanilang concerns sa gobyerno.

“Hindi natin masasabi na lahat ng bawat Pilipino talaga ay nararating ng tulong ng pangulo at ng administrasyon. So kung meron pa kayong ibang concern kasi baka meron nga talagang mga lugar na hindi napapansin o nakikita, mas maganda po talaga na makarating ang inyong mga hinaing,” anito.

“‘Yan po ay welcome sa pangulo, ‘yan po ay tinatanggap ng pangulo, para po malaman din po natin kung meron pa po bang dapat idagdag na mga ayuda at mga tulong sa ating mga kababayan,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here