Home NATIONWIDE P10M naipamahagi na sa mga apektado ng Bagyong Kiyapo

P10M naipamahagi na sa mga apektado ng Bagyong Kiyapo

2
0

MANILA, Philippines – Nasa P10 milyong halaga ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan at stakeholders ang naipamahagi na sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Kiyapo, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Lunes, Hulyo 27.

Batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) situational report, nasa 6,617 pamilya sa Region 1 (Ilocos Region), Region 2 (Cagayan Valley), Cordillera Administrative Region, Region 6 (Western Visayas) at Region 12 (Soccskargen) ang nakatanggap na ng tulong.

Ang mga tulong na ito ay binubuo ng family food packs, shelter repair kits, sleeping kits, kitchen kits, plastic mats at financial assistance.

Sa hiwalay na mensahe, sinabi ni OCD information officer Diego Mariano na mayroong 31 evacuation centers ang kasalukuyang ginagamit kung saan tumutuloy ang 1,760 pamilya o 7,550 indibidwal.

Naapektuhan naman ng masamang panahon ang 63,606 pamilya o 295,066 indibidwal.

May naitala ring tatlong indibidwal ang nasawi. Dalawa ang mula sa Sarangani at isa mula sa Davao.

“Cause of death (is) still for validation.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here