Home NATIONWIDE 5 priority bills sa pag-angat ng ekonomiya at pamumuhay, tututukan ng Senado...

5 priority bills sa pag-angat ng ekonomiya at pamumuhay, tututukan ng Senado – Gatchalian

2
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian na tutukan ng Senado sa pagbubukas ng ikalawang regular session ng 20th Congress ang limang priority bills upang umangat ang ekonomiya na mararamdaman ng mamamayan na magbiibgay ginhawa sa lahat.

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng 2nd regular session ng 20th Congress sa Senado, sinabi ni Gatchalian na nakahanda ang Mataas na Kapulungan upang harapin ang hamon ng bayan nang may malinaw na layunin at agarang pagkilos.

“Naririnig namin ang hinaing ng bawat Pilipino at nauunawaan namin ang bigat ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Kaya ang bawat panukalang ating isusulong ay dapat magbigay ng konkretong solusyon sa kanilang mga pangangailangan at magbukas ng mas maraming pagkakataon upang makamit nila ang kanilang mga pangarap,” ayon kay Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na magsisimula ang pagkilos ng Senado sa pagpapagaan ng pamumuhay ng mammayaan sa pagpapasigla at pagpapaganda ng ekonomiya dahil walang bisyon sa pambansang kaunlaran na maaaring gawin habang nakikipag-buno ang ating pamilya na makamit ang pangunahing pangangailangan.

“The most urgent point of concern, therefore, is getting the Philippine economy back on track. To that end, this Congress will prioritize legislation aimed at reinvigorating the nation’s economy in support of this administration’s objectives,” ayon kay Gatchalian.

“Furthermore, genuine economic recovery cannot be measured by growth figures alone. It must be felt in the things that really matter—affordable goods and services, secure jobs, and food on the table,” giit ng lider ng Senado.

Aniya, uunahin ng Senado ang maaga at maayos na pagsasabatas ng pambansang badyet na pinakamakapangyarihang sandata upang pasiglahin ang ekonomiya upang pondohan ang kritikal na serbisyon at tiyakin na masisimulan at matatapos ang lahat ng proyekto.

“Kasabay ng maagap at masusing pagpasa ng pambansang budget para sa susunod na taon, limang pangunahing usapin ang tututukan ng inyong Senado: mataas na presyo ng mga bilihin, maliit na take-home pay ng mga manggagawa, mahal na singil sa kuryente, kakulangan sa imprastraktura at transportasyon, at kawalan ng kasiguruhan sa hanapbuhay,’ ayon kay Gatchalian.

Giit ng senador na “anuman ang ating katayuan sa buhay, ramdam nating lahat ang bigat ng mga problemang ito.”

Sinabi ni Gatchalian na uunahin ng Senado ang pagtugon sa pagtaas ng halaga ng pagkain upang matiyak na may sapat na suplay at abot-kaya ang presyo ng bigas na tumaas ng higit sa 20 porsiyento sa nakalipas na taon.

“Upang matiyak ang sapat na suplay at abot-kayang presyo ng bigas, bibigyan natin ng prayoridad ang mga amyenda sa Rice Tariffication Law, na kabilang sa mga prayoridad na panukala ng LEDAC. Titiyakin din nating sapat ang reserbang bigas ng NFA, habang pinoprotektahan ang kita at kabuhayan ng ating mga magsasaka,” aniya.

Pangalawa, ayon pa kay Gatchalian na tutukan ang perang naiuuwi ng mga. “Dito nakasalalay ang kanilang kakayahang mapag-aral ang kanilang mga anak, magbayad kuryente, at matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.”

“Dahil sa mataas na inflation, nabawasan ang purchasing power o tunay na halaga ng perang kinikita ng ating mga kababayan. Ang halaga ng isang daang piso noong 2018 ay katumbas na lamang ng 74 pesos ngayon,” ayon kay Gatchalian.

“Kaya magiging prayoridad ng inyong Senado ang Ginhawa Bill. Simple ang layunin nito: dagdagan ang take-home pay ng ating mga manggagawa. Sa ilalim ng panukala, ang kumikita ng hanggang 400,000 pesos sa isang taon ay hindi na magbabayad ng income tax,” dagdag ng senador.

“Itataas din natin ang tax-free ceiling para sa mga bonus. Aalisin din ang buwis sa overtime pay, holiday pay, night-shift differential, hazard pay, at service charge,” giit pa ng lider.

Ikatlo, ayon sa lider ng Senado, tutugunan ang pagtaas ng singil sa kuryenteo dahil patuloy na tumataas ang halaga nito simula noong Disyembre sa Metro Manila lamang.

“By June, four months into the US-Iran War, consumers were paying as much as 14.50 pesos per kilowatt-hour, up from 12.20 pesos during the same period last year. According to a recent Department of Energy briefing, the Philippines recorded the highest average electricity rate among ASEAN countries in June,” aniya.

Ayon kay Gatchalian, bibigyang prayoridzd ang amendments sa Downstream Oil Industry Deregulation Act, isang LEDAC priority measure upang magkaroon ng mas malinaw na transparency sa components ng halaga ng produktong petrolyo at matukoy ng gobyerno na kung kumakatawan ang pagtaas sa global market prices at legitimate costs o sobrang tubo.

“Fourth, we will focus on infrastructure. The fastest way to reinvigorate the economy is by accelerating infrastructure spending. Your Senate will prioritize the Masterplan for Infrastructure and National Development, or MIND Bill, another important LEDAC measure. It will establish a 30-year plan that will link and coordinate key infrastructure projects, including roads, airports, hospitals, and energy pipelines. This will help create jobs, attract investments, and drive long-term economic growth,” paliwanag ni Gatchalian.

Ikalima, giit ng lider ng Senado, na tututukan natin ang pagpapalakas ng mga MSME.

“Tinalakay na natin ang ilan sa mga repormang isusulong upang mapababa ang presyo ng mga bilihin at singil sa kuryente, madagdagan ang take-home pay ng mga manggagawa, at mapabuti ang imprastraktura at transportasyon. Ang susunod nating bibigyan ng pansin ay ang pagkakaroon ng matatag at marangal na trabaho,” aniya.

Sa pagtatayo ng Senado, ayon kay Gatchalian, na mula noong Mayo 2025 hanggang Mayo ng taong ito, mahigit sa 660,000 ang bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. “Upang maibalik ang mga nawalang trabaho at makalikha ng mga bagong oportunidad, kailangan nating palakasin ang mga negosyong nagbibigay ng hanapbuhay sa ating mga kababayan.”

“Kaya bibigyan natin ng prayoridad ang mga amyenda sa Magna Carta for MSMEs, isa rin ito sa mga prayoridad na panukala ng LEDAC. Mahalaga ito, dahil 99.7 percent ng mga rehistradong negosyo sa Pilipinas ay mga micro, small, and medium enterprises o MSMEs. Hindi lamang sila nagbibigay ng hanapbuhay sa milyonmilyong Pilipino. Sila’y bunga ng pagsisikap at pangarap ng ating mga kababayan—mula sa mga negosyong minana sa pamilya hanggang sa mga nagsimula sa garahe o maliit na food cart. Anuman ang uri, mahalagang haligi ng ating ekonomiya ang mga MSME,” ayon kay Gatchalian.

“Kabilang sa mga repormang isinusulong sa Magna Carta for MSMEs ang mas madaling pagkuha ng puhunan at credit guarantees, pati ang access sa shared services, machinery, at technical support. Mabibigyan ang ating mga MSME ng mas maraming pagkakataong makilahok sa mga proyekto ng gobyerno,” paliwanag ng lider ng Senado.

Paliwanag pa ni Gatchalian na magkakabit-kabit ang limang aspektong tinalakay dahil kapag may reporma sa isang lugar, may malaking epekto ito sa iba kaya’t kailangan ang malakas na koordinasyon upang matiyak na napapanahon, coherent at epektibo ang maipapasang batas.

“Thus, I propose the creation of an ad hoc committee tasked with helping drive economic growth, create jobs, and make the cost of living more affordable for every Filipino. Strengthening our economy requires a concerted effort, proactive action, and reforms that will endure beyond a single administration,” ayon sa lider ng Senado. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here