Home HOME BANNER STORY Tax relief para sa mga manggagawa, maliliit na negosyo isinusulong ni PBBM

Tax relief para sa mga manggagawa, maliliit na negosyo isinusulong ni PBBM

3
0

MANILA, Philippines — Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes ang Kongreso na aprubahan ang mga hakbang para sa tax relief ng mga indibidwal na manggagawa at maliliit na negosyo upang maibsan ang patuloy na epekto ng krisis at matulungan ang middle class.

Sa kanyang State of the Nation Address, nanawagan si Marcos na ilibre sa income tax ang mga manggagawang kumikita ng hindi hihigit sa ₱350,000 kada taon at amyendahan ang buwis para sa iba pang income bracket.

“So, to ensure the continued progress of the middle class amidst the lingering effects of the crisis, we will pursue tax relief measures that promote growth, generate revenue, and advance equity toward socio-economic sustainability,” ani Marcos.

Iminungkahi rin niya ang pagtanggal sa minimum corporate income tax para sa maliliit na negosyo.

Hiniling din ni Marcos ang tax amnesty para sa mga hindi nakapagbayad ng income tax, estate tax, donor’s tax at value-added tax, kabilang ang mga kaakibat na multa.

“Kasama na rin dyan ang mga multa na kaakibat ng mga ito (This includes the corresponding fines),” Marcos said.

Matagal nang nananawagan ang mga ekonomista at tax expert na ayusin ang tax exemptions at income tax rates, lalo na para sa middle class na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here