Home NATIONWIDE Bawat proyekto at nakalaang pondo binabantayan ng gobyerno vs overpricing – PBBM

Bawat proyekto at nakalaang pondo binabantayan ng gobyerno vs overpricing – PBBM

2
0

MANILA, Philippines – BANTAY-SARADO ang bawat proyekto at ang nakalaang pondo sa Transparency Portal, Integrity Chain, at katuwang na mga Civil Society Organization.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang pang-limang State Of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes, Hulyo 27, Para walang overpricing, sinigurado natin na ang mga materyales ay ayon sa presyo sa merkado.

Ayon sa Pangulo, mula nang tumama sa bansa ang epekto ng giyera sa Gitnang Silangan, ay agad siyang nagdeklara ng State of National Energy Emergency.

“Iisa ang ating misyon: UPLIFT — ang iahon ang ating nahihirapang mga mamamayan,” ayon sa Pangulo.

“Ang lahat ng mga ahensiya ay inatasang magtipid, at pagtuunang mabuti ang mga programa na mas mahalaga sa pagtugon sa mga epekto ng krisis,” aniya pa rin.

Sinabi pa rin ng Pangulo na ang pera ng taumbayan na muntik mapunta sa bulsa ng mga tiwaling opisyal, ay naisalba na niya.

At sa halip aniya ay nagamit ito sa mabuti, at para sa tunay na kapakanan ng mamamayan.

“Mataas ang tiwala at kumpiyansa natin sa mga lokal na pamahalaan. Ito ay paghahanda na rin para sa mas marami at mas malawak na serbisyo para sa kanilang mga nasasakupan,” aniya pa rin. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here