Home NATIONWIDE Agrikultura, isinentro ni PBBM sa pagsusulong ng reporma

Agrikultura, isinentro ni PBBM sa pagsusulong ng reporma

2
0

MANILA, Philippines – Dahil sa pagsusulong sa sektor ng agrukultura malugod na tinanggap ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang katatapos na  State of the Nation Address (SONA) na ang agrikultura ang nananatiling sentro ng agenda ng administrasyon – hindi lang upang palakasin ang seguridad sa pagkain kundi itaas ang kita ng milyon-milyong Pilipinong magsasaka at mangingisda.

“Malinaw na binanggit ng Pangulo na ang agrikultura ay hindi lang tungkol sa paglikha ng pagkain – ito ay tungkol sa paglikha ng mga oportunidad para sa ating mga magsasaka at mangingisda upang madagdagan ang kita at mabuhay ng maayos,” ani Tiu Laurel. “Masaya ako dahil binigyang-diin nito ang ginagawa nating pagsusulong upang mapalawak ang export sa agrikultura  dahil ang mas magandang merkado ay mangangahulugan ng mas magandang kita para sa mga producer.”

Ayon sa Department of Agriculture  (DA) naglaan ang Pangulo sa bahagi ng kanyang SONA sa mga programang gawing abot kaya ang pagkain habang pinapahusay ang ani sa bukid. Sinabi nito na ang Benteng Bigas, Meron Na! program  ay napakinabangan na ng mahigit 12 milyong Filipinos,  habang mahigit 26,000 metriko tonelada ng bigas ang naipamigay  sa mahigit 2.5 milyong pamilya, at target ng gobyerno na maabot ang walong milyong pamilya.

Kaugnay nito tinukoy din nito ang pinalawak na KADIWA ng Pangulo outlets na mahigit 800 upang ikunekta ang mas maraming mamimili direkta sa mga magsasaka at mangingisda, habang halos dalawang milyong producers ang nakatanggap ng ayuda sa langis sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF).

Sinabi pa ng Pangulong Marcos Jr. ang matatag na pag-angat  sa produksiyon ng bigas, mais, asukal, karne, at poultry simula 2023,  dahil sa mga pagbabago sa expanded irrigation, mechanization, modernong teknolohiya sa pagsasaka, insurance, at suporta ng gobyerno.

Samantala idinagdag pa ng Department of Agriculture na ang deployment ng 145 rice processing systems, tatlong malalaking pasilidad ng cold storage, at halos 40,000 na gamit pansaka, bukod pa dito ang ambisyosong programa sa muling pagtatanim ng niyog na nakapagtanim na ng 18 milyong puno.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang mas  malakas na National Food Authority na may kakayahang bumili ng mas maraming palay sa maayos na presyo at mapanatili ang mas malakas na reserba, habang  inaasahang lalakas ang food security ng bansa sa pamamagitan ng pinalawak na crop imsurance at ang ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve System.

Sinabi ni Tiu Laurel na ang mensahe ni Pangulong Marcos Jr.  ay tungkol sa kinabukasan gaya ng  mga kasalukuyang tagumpay. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here