Home OPINION MGA BENEPISYO NG MANGGAGAWA AT WORKPLACE SAFETY, MAS PINALAKAS SA 6TH ECC...

MGA BENEPISYO NG MANGGAGAWA AT WORKPLACE SAFETY, MAS PINALAKAS SA 6TH ECC REGULAR MEETING

1
0

MAYNILA — Pinangunahan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary at Employees’ Compensation Commission (ECC) Chairperson Francis N. Tolentino ang ika-6 na Regular Meeting ng ECC nitong Hulyo 23, 2026.

Kasama sina ECC Executive Director Kaima Via Velasquez, Occupational Safety and Health Center (OSHC) Executive Director Jose Maria S. Batino, at mga kinatawan mula sa sektor ng mga employer at manggagawa, tinalakay ng komisyon ang mga polisiyang layong magbigay ng mas mabilis at mas malawak na serbisyo para sa mga manggagawang nagkasakit, nabalda, o nasaktan dahil sa trabaho, pati na ang benepisyo para sa kanilang mga pamilya.

MGA PINAGTIBAY AT TINALAKAY NA INISYATIBO:

Rebisyon sa 2026 Procurement Plan: Inaprubahan ang pag-aayos sa Annual Procurement Plan, pagkuha ng outsourced personnel, at pagpapalawak ng pampublikong impormasyon sa pamamagitan ng mga teleradyo program.

Pagpapalawak ng Listahan ng Work-Related Illnesses: Tinalakay ang pagdaragdag sa listahan ng mga kwalipikadong sakit na maaaring mabayaran ng kompensasyon, kabilang ang ilang uri ng kanser.

Pagsuporta sa ILO Convention No. 162: Binigyang-diin ni Sec. Tolentino ang kahalagahan ng pag-endorso at pagpapatibay sa International Labour Organization (ILO) Asbestos Convention para sa proteksyon ng mga manggagawa.

Pagtatag ng Workers’ Rehabilitation Center Complex (WRCC): Nagkaroon ng update sa itinatayong 50-hektaryang pasilidad na magsisilbing sentro ng Disability Management – Return-To-Work Assistance Program ng ECC.

Workplace Safety & Mental Health: Tinalakay ang mga programa sa ASEAN Occupational Safety and Health Network, pagsasanay para sa emergency rescue operations, adbokasiya sa mental health sa lugar ng paggawa, at paghahanda para sa 14th Gawad Kaligtasan at Kalusugan.

“Ako ay nakikiisa sa adbokasiya na palawakin ang saklaw ng benepisyo, partikular na dahil mayroon tayong ILO Convention No. 162 o Asbestos Convention na kinakailangang maipagtibay,” ayon kay DOLE Secretary Francis N. Tolentino.

Nakatakdang magsumite ang mga miyembro ng mga karagdagang roadmap at impormasyon bago ang susunod na pagpupulong ng ECC sa darating na buwan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here