MANILA, Philippines – Sinabi ng Office of the Ombudsman na ipagpapatuloy nito ang paggiit na malakas ang ebidensya laban kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., kahit pansamantala siyang nakalaya matapos payagan ng korte na makapagpiyansa.
Nagpiyansa si Revilla ng P1 milyon para sa kanyang malversation case matapos pagbigyan ng Sandiganbayan Third Division ang kanyang petisyon. Noong Enero, nakapagpiyansa rin siya sa graft case na may kaugnayan sa umano’y hindi umiiral na flood control project sa Pandi, Bulacan.
“The Office of the Ombudsman, while it respects the orders and decisions of the Sandiganbayan, must stand by its own investigation and work,” ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano.
“We will exhaust all remedies to highlight the basis for which we can say that evidence of guilt is indeed strong against former Senator Ramon “Bong” Revilla,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ng Malacañang na iginagalang nito ang desisyon ng Sandiganbayan. RNT/MDS