MANILA, Philippines – Ayon sa 2026 Atlas of Impunity, nananatiling kabilang ang Pilipinas sa mahihinang performer sa accountability sa Southeast Asia sa kabila ng pagiging isa sa mga pinakamatagal na electoral democracies sa rehiyon.
Ang pag-aaral, na ginawa ng Eurasia Group at Thomson Reuters Foundation, ay sumusukat sa impunity, o paggamit ng kapangyarihan nang walang pananagutan.
Nasa ika-65 puwesto ang Pilipinas sa 172 bansa na may impunity score na 44.86. Mas mataas ang score, mas mataas ang antas ng impunity.
Ayon kay Dr. Alicor Panao ng University of the Philippines, nasa gitna ang posisyon ng Pilipinas sa pandaigdigang ranggo. Mas maganda ang kalagayan nito kaysa sa Cambodia at Laos, ngunit nahuhuli sa Vietnam, Thailand, Malaysia, at Singapore.
Pinakamahina ang Pilipinas sa abuse of human rights (ika-41) at conflict and violence (ika-43), habang mas maganda ang naging resulta nito sa economic exploitation at environmental degradation (kapwa ika-90).
Sinabi ni Panao na ang mga pagkakaibang ito ay nagpapakita na ang accountability ay nakasalalay sa kakayahan ng mga institusyon na maipatupad ang batas nang pare-pareho.
Dagdag pa niya: “Perhaps the broader lesson is that democracy alone does not guarantee accountability. What matters is whether institutions can effectively restrain power, protect citizens and ensure that abuses do not go without consequences.” RNT/MDS