Home NATIONWIDE Pwersa ng Bangsamoro, Federalist Party nagsama-sama

Pwersa ng Bangsamoro, Federalist Party nagsama-sama

2
0

MANILA, Philippines – Nagsama-sama na ang pwersa ng Bangsamoro Federalist Party (BFP), ang pinakabagong regional political party sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), bago ang makasaysayang Bangsamoro parliamentary elections sa Setyembre 14.

Tatlo sa limang gobernador sa rehiyon ang sumapi sa partido nitong Linggo.

Nanumpa bilang miyembro ng BFP sa harap ni Bangsamoro interim Chief Minister Abdulraof Macacua sina Gov. Tucao Mastura ng Maguindanao del Norte, Gov. Datu Ali Midtimbang ng Maguindanao del Sur, at Gov. Ysmael “Mang” Sali ng Tawi-Tawi.

Nanumpa rin bilang miyembro ng BFP si Basilan Vice Gov. Hadjiman “Jim” Hataman Saliman.

Nanumpa bilang party president at chairperson ng BFP si Macacua nitong Sabado.

Noong Mayo, naghain siya ng kandidatura bilang independent para sa ikatlong parliamentary district ng Maguindanao del Norte.

Ang BFP ang pinakamalakas na kalaban ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), ang political party ng dating rebel group na Moro Islamic Liberation Front (MILF). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here