MANILA, Philippines – Nagbabala si Education Secretary Sonny Angara nitong Miyerkules, Agosto 19 sa publiko sa paggawa ng mga konklusyon mula sa hindi beripikadong report na bullying o online influences ang dahilan sa nangyaring pamamaril ng estudyante sa paaralan sa Zamboanga City.
Ani Angara, hindi pa napapatunayan na ang shooter na estudyante ay na-bully.
“The bullying aspect, we don’t know anything about that,” sinabi ni Angara.
Aniya, wala pang conclusive information na na-depress din ang estudyante, maging ang mga report na naimpluwensiyahan ito ng ibang tao o online content.
“It could be a factor, but we don’t know yet at this stage,” sinabi pa ni Angara.
Patuloy na sinisilip ng mga awtoridad ang mga posibleng nagtulak sa pamamaril ng estudyante.
Dagdag pa, nagbabala rin si Angara sa mga nagsasabing ang guro ang target nito.
“It is still unclear whether the teacher was really the target.”
Ani Angara, ang estudyante ay pumasok sa dalawang klasrum ngunit hindi namaril sa unang klasrum ngunit nagpaputok sa ikalawa.
“So it is unclear who the actual target was,” ani Angara.
Iginiit ng opisyal na ang mga posibilidad ay hindi dapat ituring bilang ‘established facts’ habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/JGC