Home OPINION PAKIUSAP NG YAKAP CLINICS: MABAYARAN NG PHILHEALTH UNPAID TRANCHES BAGO MATAPOS 2026

PAKIUSAP NG YAKAP CLINICS: MABAYARAN NG PHILHEALTH UNPAID TRANCHES BAGO MATAPOS 2026

1
0

ISANG mariing pakiusap at panawagan ang ipinaabot ngayon ng mga accredited YAKAP clinics sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maibigay na ang kanilang mga hindi pa nababayarang claims, kabilang ang 2025 at 2026 1st at 2nd tranches, bago matapos ang taong 2026.

Ayon sa mga tagapamahala ng mga pasilidad, ang perang ito ang magsisilbing pangunahing puhunan at working fund na gagamitin nila sa pagpasok ng taong 2027 upang maipagpatuloy nang walang alinlangan ang serbisyo ng Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP).

IT System Glitch at Banta sa Operasyon

Sa ilalim ng pamumuno nina DOH Secretary Dr. Edwin Mercado at PhilHealth PCEO Dr. Beverly Lorraine Ho, umabot na sa mahigit 33 milyong Pilipino ang sakop ng YAKAP, na nakatakda ring ipalawak sa mga pampublikong paaralan katuwang ang DepEd.

Subalit, naghihingalo ang mga frontline clinics dahil sa dalawang pangunahing dahilan:

Mabagal na IT System: Panahon na upang ayusin o baguhin ng PhilHealth ang kanilang Electronic Medical Record (EMR) IT System. Dahil sa hindi makapag-generate nang maayos ang sistema, nagkakaroon ito ng domino effect na nagiging sanhi ng matinding Delay sa pagpapalabas ng bayad.
Limitadong Kapital: Ang mga YAKAP accredited clinics ay karaniwang maliliit na pasilidad. Kapag buwan ang inaabot ng naantalang claims, nawawalan sila ng pambili ng mga gamot, diagnostic kits, at pampasahod sa mga doktor, nars, at empleyado, pati na rin pambayad sa kuryente at renta.
Binigyang-diin ng mga klinika na hindi sila maaaring gawing “bangko” o patuloy na mag-abono para sa programa ng pamahalaan. Kapag naubos ang kanilang limitadong pondo, magiging inevitable ang mga sumusunod:

Magbawas ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan.
Pansamantalang hindi tumanggap ng YAKAP members.
Tuluyang pagpapasara ng mga pasilidad na magpapabagsak sa pundasyon ng Universal Health Care (UHC).
Umapela ang mga healthcare providers na ituring silang tunay na partners in health. Huwag sana nating hayaang mamatay ang isang napakagandang programa dahil lamang sa usapin ng EMR IT system at mabagal na pamamahagi ng pondo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here