KAHIT malayo pa ang labanan para sa 2028 elections, pinaghahandaan talaga ng administration na hindi makaporma kahit gutay-gutay na ang makinarya ng kanilang kalaban, ay isinusulong nilang ilaban ang kanila humihinang pambato.
Ito ang panahon ng “oras de peligro” para sa mga political leader, vloggers at mga commentator.
Mas nakababahala ang usap-usapang may ilang pangkat- pangkat umanong may malakas na impluwensya kaya tila hirap silang mapigil.
Pero tila itong pambato ng administrasyon ay parang hindi nababahala kahit lumulutang ang kanyang pangalan na siya umanong mastermind sa maanomalyang flood control project.
Halos lahat ng sangkot nakasuhan na ngunit tila kampante lang itong pambato ng administrasyon dahil “nakasandal na nga sa pader” na halos lahat ng paraan ay ginamit huwag lang madawit sa mga ikinakaso.
Kung totoo ito, hindi sapat ang simpleng babala—kailangan ng mas mahigpit na pag- iingat na na huwag siya papormahin.
Lahat ng sector ng lipunan lalo na ang mga apektadong mga residente ng ibang bansa ang umuuwi para lumahok at maaaring makapagbigay ng parehas na laban.
Hindi dapat manaig ang impluwensya ng mga may masamang balak, sindikato man o magaling na political operator. Kapag ang sektor ng manggagawa, estudyante ang ginamit ng mga masasamang grupo, ang magandang kinabukasan dito ang nakataya—kaya dapat lang na labanan ang kanilang, hindi hindi magandang hangarin.
Alam ng taumbayan ang klase ng gobyernong sinisisi dahil sa puro nito pangako, paliwanag at palusot—pero kapag hinanap ang katotohanan, tila laging may bagong dahilan.
Ang mamamayan ay hindi bulag. Nakikita nila ang pagitan ng sinasabi ng gobyerno at ang tunay na nangyayari sa kanilang buhay.
Sa madaling sabi sa darating na halalan, nasa kamay ng mamamayan ang pagkakataong pumili at huwag hayaang maulit ang mga maling palakad ng gobyerno.
Anomang kulay yan, nasa kamay pa rin nila ang tunay na kapangyarihan. Pagkakataon nila na pumili ng mga lider na karapat-dapat pagkatiwalaan—hindi dahil sa pera, pangalan o makapangyarihang koneksyon, kundi dahil sa kanilang integridad, kakayahan at malasakit sa bayan. Sa balota, may pagkakataong baguhin ng mamamayan ang kinabukasan ng bansa.






