Home OPINION NINOY AQUINO ‘NILALANGAW’ NA

NINOY AQUINO ‘NILALANGAW’ NA

1
0

NAWALAN na yata ng halaga ang pangalang Benigno “Ninoy” Aquino sa kamalayan ng mga Pinoy.

Batay ito sa liit ng bilang ng mga tao na dumalo sa pag-aalay ng bulaklak sa Ninoy Aquino International Airport na roon siya pinaslang pagbaba niya sa eroplano at paggunita ng kanyang kamatayan sa Manila Memorial Park nitong Agosto 21, 2026.

Nawala na rin sa kalsada ang mga rally para sa kanya at natutulad na ito sa nangyayari sa EDSA 1 na tila nakalilimutan na rin ang halaga.

Siyempre pa, may anunsyo bago ang anibersaryo ng kanyang kamatayan ngunit lumitaw na dedma na ang higit na nakararaming mamamayan para kusang pumunta sa mga anibersaryo.

Pang-5 araw na ngayon at ngayo’y burado nang usapang Ninoy Aquino.

Ano ang meron dito?

Nasaan kaya ang diperensya at tila nawawalan na ng halaga ang espiritu ng salita niya noon na “The Filipino is worth dying for!”?

Kung meron mang halaga, hanggang isipan na lang at hindi makapagtutulak sa mga tao upang kumilos sa mga lansangan laban sa anomang matinding problema ng bansa at maling pamamamalakad ng pamahalaan.

Ang masasabi lang na bunga ng kamatayan ni Ninoy ngayon ay ang pagbabalik ng kalayaan sa pamamahayag, ngunit nababasag na rin batay sa rami ngayon ng mga demanda laban sa mga kritiko ng pamahalaan… gaya ng kasong libelo, plunder at iba pa.

Ang korapsyon noon na nilabanan ni Ninoy, bukod sa diktadurya, ay biglang bumalik matapos ang EDSA 1 nang manalasa ang noo’y Kamag-anak Incorporated at nagpatuloy na ito hanggang ngayon sa ibang anyo.

Unang nagbabala noon si Cardinal Sin sa pananalasa ng malalapit na kamag-anak ni Ninoy sa kaban ng bayan makaraan ang EDSA 1 na tinawag ni Erap na Kamag-anak Inc. makaraan.

Kabilang ba ito sa mga pangunahing dahilan ngayon kung bakit nilalangaw na ang pag-alaala kay Ninoy Aquino?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here