Home HOME BANNER STORY Search and rescue ops nagpapatuloy sa 3 pang nawawalang Aeta sa lumubog...

Search and rescue ops nagpapatuloy sa 3 pang nawawalang Aeta sa lumubog na bangka

1
0

MANILA, Philippines – Muling magsasagawa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) sa bangkang de motor na lumubog sa bisinidad ng Sunken Church sa Mapanuepe Lake, Barangay Buhawen, San Marcelino, Zambales.

Sa pinakahuling report mula sa PCG, anim ang naitalang namatay, kabilang ang tatlong menor de edad, tatlong nasa hustong gulang, tatlo ang nawawala habang apat ang nailigtas.

Sa kabuuan, sinabi ng PCG na 13 ang pasahero ng motorbanca na miyembro ng Aeta Indigenous Peoples community mula sa Sitio Lumibao at patungong community health center na kukuha sana ng pagkain at gamot, bilang bahagi ng vaccination program.

Sa inisyal na ulat, nakasalubong ng motor banca ang malakas na hangin at malalaking alon kaya ito tumaob.

Ang pagpapatuloy ng search and rescue operations ng PCG ngayong umaga, Agosto 28, ay upang hanapin ang tatlo pang pasahero na iniulat na nawawala.

Nagpapatuloy din ang imbestigasyon hinggil sa nangyaring maritime incident. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here