Home NATIONWIDE Paggamit ng pekeng dokumento sa aplikasyon ng Visa, ibinabala ng US Embassy

Paggamit ng pekeng dokumento sa aplikasyon ng Visa, ibinabala ng US Embassy

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang US Embassy sa Manila sa mga aplikante ng visa na huwag magsumite ng pekeng dokumento o magsinungaling sa kanilang aplikasyon dahil maaari itong humantong sa pag-aresto, kasong kriminal, at lifetime ban sa pagpasok sa Estados Unidos.

Sa isang post sa X noong Sabado, Agosto 29, sinabi ng embahada na kamakailan nitong ipinaalam sa Philippine law enforcement ang isang kaso ng visa fraud na nauwi sa pag-aresto sa isang aplikanteng gumamit ng mga pekeng dokumento.

Ayon sa embahada, agad nitong ipinapaalam sa mga awtoridad ng Pilipinas kapag may nadidiskubreng pekeng dokumentong Pilipino habang pinoproseso ang visa application.

“Using fake documents or misrepresenting facts can result in a lifetime ban from entering the United States as well as criminal prosecution and arrest,” ayon sa embahada.

Binigyang-diin na seryosong paglabag ang visa fraud at hindi dapat isipin ng mga aplikante na hindi matutuklasan ang kanilang mga pekeng dokumento o maling impormasyon.

“Walang sikreto. No secrets, no exceptions, no tolerance for fraud,” saad nito.

Hinimok din ng US Embassy ang sinumang may impormasyon tungkol sa visa fraud na i-report ito sa [email protected]. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here