Home METRO 7 bayan sa Isabela, apektado ng ASF

7 bayan sa Isabela, apektado ng ASF

1
0

ALICIA, Isabela – Apektado ang 7 o pitong bayan ng Isabela matapos maapektuhan ng kasong African Swine Fever o ASF.

Ayon kay Dra. Helen Sevilla, Provincial Veterinarian ng Isabela, umabot na sa pitong bayan at 23 barangay ang may kumpirmadong kaso ng ASF.

Kabilang ang bayan ng Quirino, Alicia, San Mateo, Luna, Ramon, San Isidro, at Echague dito sa probinsya ng Isabela.

Nagsagawa na umano ang pamahalaang panlalawigan ng iba’t ibang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng virus, kabilang ang pamamahagi ng disinfectant at patuloy na monitoring at surveillance sa mga apektadong lugar.

Pinupuntahan ng kanilang tanggapan ang mga lugar na nag-uulat ng mga alagang baboy na nagpapakita ng sintomas ng ASF upang magsagawa ng disease surveillance at investigation, kabilang ang pagkuha ng blood samples para sa laboratory testing.

Kapag kumpirmadong positibo sa ASF ang mga baboy, agad umano itong isinasailalim sa culling upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Sa kabuuan, nasa 375 baboy na ang isinailalim sa culling, habang 35 hog raisers mula sa pitong munisipalidad ang naapektuhan ng ASF.

Samantala, nanawagan ang Provincial Veterinary Office sa mga hog raisers na namatayan ng baboy dahil sa sakit na tiyaking maayos ang pagtatapon o disposal ng mga namatay na alagang hayop upang hindi kumalat ang virus sa ibang baboy.

Sa kabila ng ASF ay nananatiling sapat ang suplay ng karne ng baboy sa Isabela at wala pa umanong direktang epekto ang ASF sa mga meat vendor.

Samantala, mahigpit umano ang ginagawang inspeksyon ng mga awtoridad sa mga pumapasok na suplay ng baboy sa Isabela. Kabilang dito ang pagtatayo ng checkpoints sa Cordon, Quezon, at San Pablo upang matiyak na walang makapapasok na mga hayop o produktong maaaring may dalang ASF virus. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here