Home METRO Debate para sa BARMM elections suportado ng Comelec

Debate para sa BARMM elections suportado ng Comelec

2
0

MANILA, Philippines — Sinusuportahan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng mga debate bago ang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa susunod na buwan.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, makatutulong ang mga debate upang maibalik ang kampanyang nakatuon sa mga isyu at prinsipyo, sa halip na personalan at pagpapakitang-lakas ng mga kandidato.

“We welcome that. It allows us to return to campaigning based on substance — campaigning grounded in principles, rather than personal attacks or the practice of hauling in crowds,” ani Garcia.

Sinabi rin niyang mahalaga ang mga debate maging sa 2028 elections dahil dapat nakatuon ang kampanya sa mga isyung mahalaga sa publiko.

Nang tanungin kung pinag-iisipan ng Comelec ang mga debate para sa May 2028 presidential elections, sinabi ni Garcia, “We are considering it.”

Gayunman, nais ng Comelec na isang media entity ang manguna at mag-sponsor ng debate, gaya noong 2016. Aniya, dapat tagamasid o panauhin lamang ang Comelec at hindi gumamit ng pampublikong pondo para rito.

“However, in our view, what happened in 2022 wasn’t right. We need a media entity to sponsor the debates, just like in 2016. The Comelec should merely be an observer or a guest; we shouldn’t be the ones spending, nor should public funds be used. But we will certainly encourage media entities to host debates,” ani Garcia.

Dagdag niya, makatutulong ang debate para masukat ng mga botante ang kahandaan at posisyon ng mga kandidato sa mahahalagang isyu.

Noong 2022, kinailangang kanselahin ng Comelec ang huling rounds ng PiliPinas Debates dahil sa hindi nabayarang P14 milyon ng event partner nitong Impact Hub Manila sa venue na Sofitel Philippine Plaza Manila. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here