Hindi lamang mula sa gilid tumingin si Senator Bong Go sa kalagayan ng mga binahang komunidad sa Calumpit, Bulacan. Personal siyang lumusong sa baha upang makita mismo ang sitwasyon at makausap ang mga residenteng matagal nang nagtitiis sa tubig-baha.
Ayon sa mga nakatira sa lugar, halos isang buwan nang baha sa kanilang komunidad at marami pang bahagi ng Calumpit ang nananatiling lubog.
Para kay Senator Bong Go, mahalagang marinig mismo sa mga apektadong evacuees kung ano ang kanilang kundisyon at mga pangangailangan. CESAR MORALES