Home METRO Most wanted: Kelot na unli-gahasa sa anak-anakan, himas-rehas 

Most wanted: Kelot na unli-gahasa sa anak-anakan, himas-rehas 

4
0

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad sa Marikina City ang isang 31-anyos na lalaki na itinuturing na No. 2 most wanted person ng National Capital Region at nahaharap sa 10 bilang ng qualified rape.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nadakip ang suspek madaling-araw noong Agosto 30 sa Barangay Malanday sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 6-FC sa Maynila. Walang inirekomendang piyansa para sa mga kaso.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District, ang biktima ay anak umano ng dating live-in partner ng suspek at menor de edad nang mangyari ang mga insidente.

Ayon sa pulisya, nagsumbong ang biktima noong 2024 at inakusahan ang lalaki ng paulit-ulit na panghahalay hanggang sa mabuntis umano siya.

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang at iginiit na boyfriend ng biktima ang nakabuntis dito. Sinabi rin niyang handa siyang sumailalim sa DNA testing.

Mananatili sa kustodiya ng Barbosa Police Station ang suspek habang hinihintay ang commitment order ng korte.

Patuloy na dumaraan sa proseso ng hukuman ang mga kasong isinampa laban sa lalaki, at nananatili siyang inosente hangga’t hindi napatutunayang nagkasala sa ilalim ng batas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here