Home OPINION PAMILYANG SUNDALO, PULIS LUBOG DIN SA BAHA

PAMILYANG SUNDALO, PULIS LUBOG DIN SA BAHA

3
0

ANG mga sundalo at mga pulis ang karaniwang sinasandalan ng lahat, lalo na ang pamahalaan, para maghanap at magligtas sa mga biktima ng kalamidad, kasama na ang mga baha at landslide.

Pinadadala sila kung saan naroong may mga nangangailangan ng kanilang mga serbisyo.

Sila talaga ang maaasahan dahil sa pisikal nilang lakas, sapat na kasanayan sa usapin, lakas ng loob at mandato ng batas.

Ngunit sa kanilang paglilingkod sa pamahalaan at iba, naiiwan ang kani-kanilang mga pamilya at gaya ng mga ordinaryong mamamayan, nahaharap din ang mga ito sa mga sakuna o kalamidad gaya ng baha.

Ayon sa mga ulat, pare-parehong may mga proyektong pabahay administrasyong Marcos at mga nauna nito.

Partikular kay Duterte, meron sa Luzon, Visayas at Mindanao gaya ng mga nasa Cavite, Rizal, Laguna, Davao at Tarlac.

Sa Bulacan, meron sa Barangay Calumpang at Tartaro-Sibul, San Miguel at meron ding nadatnan nito na gaya ng nasa 5,000 yunit na inokupa ng grupong Kadamay sa Pandi, Bulacan.

Gayunman, ilang kakilala natin ang nagsabing napakaraming site ang kasama sa mga binabaha at galing pa sa mga katakot-takot na utang nila sa AFPSLAI o Armed Forces and Police Savings & Loan Association, Inc., PAGIBIG at iba pa ang inuubos para mapatibay at mapaayos ang mga ito.

Dahil karaniwang bungalow type na single o duplex ang mga tahanan at marami ang marurupok, nababaha at nasisira ang mga ito at nasasayang ang lahat para sa kani-kanilang mga pamilya.

Maraming sundalo at pulis ang bagsak sa kabuhayan dahil sa kanilang utang para sa kanilang bahay at pamilya at nababaha pa sila.

Dapat isabay ang mga sundalo at pulis sa mga search and rescue mismo ng pamahalaan upang hindi maiwasan ng mga ito ang mag-isip laban sa pamahalaan o kaya’y gumawa ng korapsyon o krimen para maisalba nila ang mga sarili at pamilya sa mga paghihirap at kalamidad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here