MANILA, Philippines – Muling nagtalaga ang Commission on Elections (Comelec) ng hindi bababa sa dalawang provincial election supervisor na may mahigit isang linggo na lang bago ang makasaysayang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14.
Sina Atty. Renault Macarambon na provincial election supervisors ng Lanao del Sur at Mohammad Nabil Mutia ng Maguindanao del Norte ay pinagpalit ng Comelec.
Noong nakaraang Biyernes, ang mga opisyal ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities, ang Ad Hoc Joint Action Group at ang Joint Peace and Security Team, mga mekanismo ng kapayapaan sa ilalim ng proseso ng pangkapayapaan ng Bangsamoro ay lumagda sa isang pangako para sa pagsasagawa ng mapayapang halalan sa Bangsamoro sa Lanao del Sur.
Nauna nang inilagay ng Comelec ang 21 lokalidad sa Lanao del Sur sa ilalim ng red category, ang pinakamataas na threat classification sa Bangsamoro region.
May kabuuang 26 na lugar sa BARMM ang inilagay sa ilalim ng red category na tumutukoy sa mga lugar na may malubhang banta at kasaysayan ng karahasan na may kaugnayan sa halalan.
Sinabi ni Mutia na mahigpit na ipapatupad ang ‘one entrance, one exit’ policy sa mga lugar ng botohan sa Lanao del Sur upang matiyak ang maayos at malinis na halalan.
Hindi rin papayagan ang mga opisyal ng barangay sa Lanao del Sur na manatili sa loob ng voting center pagkatapos bomoto, ayon kay Macarambon.
Idinagdag pa na ang panukala ay itinampok sa isang pulong ng koordinasyon noong nakaraang linggo kasama ang sektor ng seguridad, mga guro at iba pang stakeholder ng halalan.
Ang panukala ay naglalayong pigilan ang mga opisyal ng barangay sa pakikialam o pag-impluwensya sa halalan, sabi ni Macarambon.
Pinaalalahanan din niya ang mga election officers na manatiling walang kinikilingan at non-partisan upang Malayan mapili ng mga botante ang kanilang mga kandidato sa darating na Bangsamoro elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden