Home NATIONWIDE 2027 budget process, binuksan ng Kamara sa mga CSO

2027 budget process, binuksan ng Kamara sa mga CSO

4
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Kamara ang pagsusuri sa panukalang 2027 national budget kasama ang 13 civil society organization (CSO) upang matiyak ang maayos at transparent na paggamit ng pondo ng bayan.

Pinangunahan ni House Committee on Appropriations Chair Rep. Mikaela Angela Suansing ang “People’s Budget Review” sa Villar Hall.

Kabilang sa mga dumalo ang Bitag Media Unlimited Inc., CODE-NGO, CYAN, Jesse M. Robredo Institute of Governance, GoodGovPH, IBON Foundation, Makati Business Club, Move As One Coalition, People’s Budget Coalition, Philippine Association of Agriculturists Inc., Task Force Mapalad National Peasant Federation, REID Foundation, at SafeTravelPH Mobility Innovations Organization.

Ayon kay Appropriations Senior Vice Chair Rep. Albert Garcia, mahalagang may boses ang publiko sa pagpapasya kung paano gagastusin ang pondo ng bansa.

Sinabi ni Garcia na isinasagawa na ng Kamara ang mga hakbang upang maging bahagi ng proseso ang mamamayan, kabilang ang House Resolution No. 94 at mga kaugnay na memorandum circular.

Nagtatakda ang mga ito ng mekanismo para sa pakikilahok ng CSO sa pagbuo at pagsubaybay sa budget.

Bilang bahagi ng transparency, itinatag din ng Kamara ang Budget Amendments and Review Subcommittee at isinagawa ang livestream ng mga pagdinig nito at ng Bicameral Conference Committee upang masubaybayan ng publiko ang proseso. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here