Home TOP STORIES Iran, nagbanta ng ‘economic warfare’ sa US

Iran, nagbanta ng ‘economic warfare’ sa US

4
0

TEHRAN, Iran – Nagbanta ang Iran ng “economic warfare” laban sa Estados Unidos matapos nitong iulat na nagpaputok ito ng advanced missile laban sa mga barkong pandigma ng US, habang patuloy ang tensyon sa anim na buwang giyera.

Ayon kay Mohsen Rezaei ng Iran’s Supreme National Security Council, magtatatag ang Iran ng maritime exclusion zone sa Persian Gulf hanggang sa bahagi ng US blockade. Aniya, maaaring isama sa sanctions list ang mga barkong papasok sa restricted area.

“In recent days, Washington has received a clear warning from Iran’s new missiles. Economic warfare will be met by a maritime exclusion zone across the Persian Gulf to the blockade perimeter. The operational posture toward US warships and bases has been fundamentally recalibrated,” ani Rezaei.

Tinutukoy umano niya ang Qassem Basir ballistic missile, na iniulat ng Iranian media na ginamit laban sa mga barkong US malapit sa Strait of Hormuz. Gayunman, sinabi ng US military na naiwasan ng mga barko nito ang missile attacks.

Samantala, sinalakay ng Iran-backed Houthi militia ang ilang lungsod sa Saudi Arabia, na ikinasugat ng 73 katao, ayon sa Saudi-led coalition sa Yemen.

Patuloy rin umanong naaantala ang shipping sa Strait of Hormuz, isang mahalagang daanan ng pandaigdigang suplay ng langis at liquefied natural gas. Bago ang giyera, humigit-kumulang ikalimang bahagi ng global oil at LNG shipments ang dumadaan dito.

Ipinagmamalaki ng Iran ang Qassem Basir bilang mas maneuverable at may kakayahang umiwas sa missile defense at electronic warfare. Samantala, sinabi ni US President Donald Trump na babagsak ang presyo ng langis kapag nanalo ang US sa giyera.

Gayunman, nananatili sa kapangyarihan ang mga lider ng Iran at patuloy nitong hinihingi ang pag-alis ng sanctions habang umaasang makakakuha ng bayad mula sa mga barkong gagamit sa Strait of Hormuz. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here