SAN PEDRO, LAGUNA — Isang makabuluhang pagdiriwang ng tagumpay, sakripisyo, at pangarap ang
naisakatuparan sa pagtatapos ng “Kwentong Buhay, Kwentong Bahay” (KBKB) Season 3, ang tanyag na
vlogging competition ng P.A. Alvarez Properties and Development Corporation (P.A. Properties).
Sa ilalim ng temang “Noon vs. Ngayon,” ibinahagi ng mga homeowners kung paano nagbago at
umunlad ang kanilang pamumuhay nang magkaroon sila ng sariling tahanan na maituturing na sa kanila.
Ang P.A. Properties, na nakabase sa San Pedro, Laguna, ay nakapagpatayo na ng mahigit 30,000 abot-
kayang bahay sa Timog Luzon at mga karatig-lalawigan mula noong 1994, bitbit ang kanilang pilosopiya
na “Behind Every Home is a Story."
Mga Nangingibabaw nagwagi at Kwento ng Inspirasyon
Pinarangalan ang mga nagwagi na nag-uwi ng papremyong cash at mga kagamitan sa bahay dahil sa
kanilang mga natatanging salaysay:
1st Place (₱31,000 cash + ₱1,500 home appliances): Gawad kay Jerson Galvez Nase ng St.
Joseph Homes Norzagaray. Ipinakita sa kanyang vlog ang kwento ng pag-iibigan at sakripisyo.
Bago pa man sila ikasal ng kanyang kasintahan noong 2017, ipinangako na niya ang isang
tahanan na magiging pundasyon ng kanilang mga pangarap.
2nd Place at “Heart of the Story Award” (₱18,000 kabuuang cash + ₱1,000 kitchenware):
Pinagkaloob kay Donna Marie Bessat Pogoy ng The North Grove Caloocan. Mula sa pagiging
isang happy-go-lucky traveler, buong pusong pumasok si Donna sa yugto ng pagiging ina at
asawa. Aniya, “Noon, para sa sarili. Ngayon, para sa pamilya.”
3rd Place at “Out-of-the-Box Award” (₱12,000 kabuuang cash + ₱500 gadgets): Naitala ni
Ma. Eden Co. Ramos ng St. Joseph Richfield Phase 2. Ipinamalas niya ang transpormasyon ng
kanilang tahanan mula 2020 hanggang 2024 at ang pasasalamat sa abot-kayang sistema ng P.A.
Properties.
Nagkamit din ng mga espesyal na parangal sina Timothy Darwin Delloro ng St. Joseph Homes
Calamba Phase 2 (Humorous Home Award – ₱2,000 cash) dahil sa kanyang nakatutuwang estilo ng
pagva-vlog, at Felipe Fernandez ng St. Joseph Homes 1 (Voter’s Choice Award – ₱3,000 cash) na
nakakuha ng pinakamaraming suporta mula sa pampublikong boto. Ang mga finalists mula 4th hanggang
20th place ay nakatanggap din ng tig-₱500 SM Gift Certificate.
Mula Bahay Goals Tungo sa Buhay Goals
Hindi nagtatapos sa KBKB Season 3 ang pagkilala sa mga pamilyang Pilipino. Inianunsyo rin ng P.A.
Properties ang pagbubukas ng panibagong kampanya para sa mga homeowners ng IDESIA na
pinamagatang “Bahay Goals, Buhay Goals.”
Layunin nitong patuloy na bigyang-dangal ang mga milestona at pangarap na naisakatuparan dahil sa
pagkakaroon ng ligtas at maayos na tirahan. Para sa karagdagang detalye sa bagong timpalak na ito,
maaaring bisitahin ang kanilang opisyal na website sa paproperties.com.ph/bgbgs2/.






