FRANCE – Sugatan ang 44 na indibidwal matapos madiskaril ang tren sa pagitan ng Rouen at Caen sa Normandy, Northern France nitong gabi ng Biyernes, Setyembre 11.
Ayon sa mga awtoridad, isa sa mga nasaktan ay kritikal at inilipad sakay ng helicopter.
Sa ulat, nadiskaril ang tren matapos tamaan ang hindi pa tukoy na bagay, ayon sa spokesperson para sa French police.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kasama ang French railway operator na SNCF para matukoy ang sanhi ng aksidente.
May sakay ang tren na 180 pasahero at nadiskaril sa riles malapit sa bayan ng Cleon, ayon kay French Transport Minister Philippe Tabarot.
Dahil dito ay sinuspinde ang biyahe ng tren sa pagitan ng Rouen at Caen, at Caen at Le Havre. RNT/JGC