Home OPINION VP SARA KAY PBBM: ‘UMALIS KA RIYAN! RESIGN’; IMPEACHMENT PAANO?

VP SARA KAY PBBM: ‘UMALIS KA RIYAN! RESIGN’; IMPEACHMENT PAANO?

3
0

TULUYAN at tahasan nang nanawagan si Vice President Sara Duterte para sa pagbibitiw sa pwesto ni Pangulong Bongbong Marcos.

Isinagawa ang panawagan ni VP Sara sa Quezon City sa harapan ng kanyang libong supporter na dumalo sa kanyang arraignment para sa kasong Grave Threats sa Quezon City Regional Trial Court Branch 98 kahapon.

Kaiba ang panawagang ito sa naunang posisyon ng Bise Presidente na kailangang hintayin ang halalang presidensyal sa 2028 para sa pagbabago ng liderato ng bansa.

Katwiran ng Bise Presidente, kailangan nang lumayas ang problema ng baha ngunit tinukoy nito ang problema sa panunungkulang korap, abusado at nanlilimas sa kaban ng bayan.

Tuluyan na ring tinawag na adik (sa droga) ang Pangulo kaya wala itong katinuan sa pamamahala sa gobyerno at ang pagbabago ay para na rin sa “ating mga anak.”

Paano kaya kung tuloy-tuloy na itong gagawin ni VP Sara kahit saan at magiging laman na siya ng mga pagtitipon sa kalsada man o iba pang mga lugar?

Naiisip din natin, mga brad, kung ano ang kahihinatnan ng kasalukuyang dinirinig na kasong impeachment laban sa kanya ng Impeachment Court sa Senado.

Tiyak na mayroon itong malaking epekto sa nasabing pagdinig at isa na rito ang posibleng pagkabaklas ng pagdinig kung tuloy-tuloy nang maglakad si VP Sara para isulong ang kampanya at panawagan nitong magbitiw si Marcos.

Sa katunayan, ang ginawa ni VP Sara ang isang hudyat na hinihintay ng milyong suporter nito para lumusong sa pagkilos para sa maagang pagbabagong pulitikal bago pa maganap ang halalang 2028.

Isa itong napakalaking hamon sa mamamayan na mag-isip at kumilos sa mga araw na ito kung sa palagay nila ay tama ang mga ipinahahayag at panawagan niya.

Alalahaning lumilitaw na buo na ang panawagan at pagkilos ng marami sa pinakamalaking bahagi ng Mindanao, gayundin sa Kabisayaan.

Paano naman kaya sa Metro Manila at Luzon sa kabuuan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here