ZAMBOANGA CITY — Isang 18-anyos na lalaki ang nasa kustodiya ng pulisya matapos matagpuan ang hiniwa-hiwalay na bangkay ng kanyang nakatatandang kapatid sa loob ng maleta at ice chest sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City nitong Sabado, Setyembre 12.
Ayon sa police report, kinilala ang biktima na si Raffy Muhalip Alam, 27.
Natagpuan umano ang mga bahagi ng katawan sa labas ng isang tindahan at agad itong iniulat sa Sinunuc police.
Kasunod ng imbestigasyon, dinala sa kustodiya ng pulisya ang 18-anyos na kapatid ng biktima na si Rashydy Muhalip Alam.
Parehong residente ng Barangay Sinunuc ang magkapatid.
Hindi pa inilalabas ng pulisya ang motibo, eksaktong sanhi ng pagkamatay ng biktima, at iba pang detalye kung paano umano naganap ang krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. Mary Anne Sapico