Home METRO 3 indibidwal huli sa higit P300K shabu sa Malabon

3 indibidwal huli sa higit P300K shabu sa Malabon

1
0

MANILA, Philippines – Tatlong indibidwal na sangkot sa iligal na droga ang inaresto matapos makuhanan ng higit sa P300,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Malabon-PNP, napaulat kahapon, Setyembre 15.

Batay sa report na nakalap mula kay PNP-DEG SOU-NCR Chief P/Col. Aquino Olivar, nakilala ang mga naarestong suspek sa mga alyas “Mark”, 25, alyas “James”, 25, at alyas “James”, 21, pawang residente ng Brgy., Marulas, Valenzuela City.

Napag-alaman na nagsagawa ang mga operatiba ng PNP-DEG SOU-NCR sa pangunguna ni P/Lt. Juan Carlos De Ramos ng buy bust operation sa pakikipag- koordinasyon sa PDEA sa Damzon St., Brgy., Muzon, Malabon City.

Ang operation ay nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-4:51 ng madaling araw matapos umanong magbenta ang mga ito ng P340,000 halaga ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, dalawang pirasong vape cartridge ng suspected marijuana vape/carts, buy bust money, cellphone at isang puting Toyota Corolla Altis.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Malabon City Prosecutor’s Office. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here