MANILA, Philippines — Sinabayan ng mga kilos-protesta ng iba’t ibang grupo sa Maynila ngayong Lunes, Setyembre 21, ang paggunita sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.
Kabilang sa mga lumahok ang mga kabataan, kababaihan at iba’t ibang sektor na nanawagan na pangalagaan ang kalayaan at panagutin ang mga sangkot umano sa katiwalian sa pamahalaan.







