Home NATIONWIDE Ika-54 anibersaryo ng Martial Law, sinabayan ng mga kilos-protesta sa Maynila

Ika-54 anibersaryo ng Martial Law, sinabayan ng mga kilos-protesta sa Maynila

3
0

MANILA, Philippines — Sinabayan ng mga kilos-protesta ng iba’t ibang grupo sa Maynila ngayong Lunes, Setyembre 21, ang paggunita sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Kabilang sa mga lumahok ang mga kabataan, kababaihan at iba’t ibang sektor na nanawagan na pangalagaan ang kalayaan at panagutin ang mga sangkot umano sa katiwalian sa pamahalaan.

Iginiit ng mga demonstrador ang mas mahigpit na pananagutan sa mga opisyal na mapatutunayang sangkot sa korupsyon, kabilang ang pagbawi sa pondong umano’y nawala sa kaban ng bayan.

Nanawagan din ang ilang grupo laban sa political dynasties at sa mga patakarang anila’y nakapipinsala sa kalikasan. Ang mga panawagan laban sa korupsyon at political dynasties ay kabilang din sa mga isyung inilatag ng mga grupong nagsagawa ng mga protesta kaugnay ng paggunita.

Mahigit 17,000 police personnel naman ang inihanda ng National Capital Region Police Office para magbantay sa mga aktibidad sa Metro Manila, habang inatasan ang mga pulis na pairalin ang maximum tolerance sa mga mapayapang demonstrasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here