Home NATIONWIDE Bishop Ayuban nanawagan, alalahanin martial law

Bishop Ayuban nanawagan, alalahanin martial law

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF sa mga Pilipino na patuloy na alalahanin ang madilim na yugto ng Martial Law upang hindi makalimutan ng susunod na henerasyon at hindi na maulit.

Ito ay matapos ang Misa ng Bayan sa Cubao Cathedral nitong Setyembre 21, 2026 para sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Ayon kay Bishop Ayuban, dahan-dahan nang nakalilimot ang marami lalo na ang kabataan na walang karanasan sa karahasan noon.

Ang paggunita aniya ay pagkakataon din para magpasalamat sa Diyos sa pagligtas sa bansa.

Hinamon ng Obispo ang consecrated persons at mananampalataya na manatiling mapagmatyag at tumindig laban sa kawalang-katarungan: “We should resist every act of injustice, every act of oppression, because if there are no slaves, there are also no tyrants.”

Inorganisa ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang Misa bilang pag-alala sa mga nagdusa at panalangin para sa katotohanan, katarungan at kapayapaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here