Home METRO ‘Groomer’ sa Banga shooting, nasa Pinas; lugar, tukoy na – Remulla

‘Groomer’ sa Banga shooting, nasa Pinas; lugar, tukoy na – Remulla

3
0

SOUTH COTABATO, Philippines – Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nasa Pilipinas ang hinihinalang online groomer na umano’y nang-impluwensya sa menor de edad na nasa likod ng Banga school shooting at natukoy na ng mga awtoridad ang lugar kung saan ito nakabase.

Ayon kay Remulla, muntik na nilang maaresto ang suspek ngunit wala ito sa lugar na unang pinuntahan ng mga awtoridad. Patuloy ang pagtugis dito.

“Halos nahuli na namin ‘yung isa. We’re chasing him right now. We located him already. But he wasn’t there at the location na akala namin. We know where he lives, taga-same area rin,” ani Remulla.

Samantala, iniulat ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nitong Huwebes na naaresto na ang isang hinihinalang online groomer sa Cebu at nakikipag-ugnayan ang ahensya sa National Prosecution Service at Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kaso.

Iniulat din ni Matibag na may isa pang indibidwal na naaresto na umano’y may kaugnayan sa nangyaring shooting sa South Cotabato.

“Incidentally, I just want to report that yesterday, we were able to get one of the individuals who is somehow related to what happened in South Cotabato,” ani Matibag.

Nauna nang sinabi ni Remulla na umano’y tinatarget ng online groomers ang mga kabataang madaling maimpluwensyahan at hinihikayat ang mga ito na gumawa ng karahasan kapalit ng pagkilala o katanyagan.

Nitong Setyembre 18, tatlong estudyante, kabilang ang umano’y shooter, ang nasawi habang walo pa ang nasugatan sa Banga National High School.

Patuloy namang minomonitor ng NBI ang online threats at posibleng cyber-related activities na may kaugnayan sa karahasan. Hiniling din ni Matibag ang karagdagang tools at pondo upang mapalakas ang kakayahan ng ahensya sa pagsubaybay sa mga banta sa cyberspace. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here