Home HOME BANNER STORY Pinas, No. 1 pa rin sa global disaster risk index

Pinas, No. 1 pa rin sa global disaster risk index

1
0

MANILA, Philippines — Muling nanguna ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na disaster risk sa buong mundo, matapos makapagtala ng 46.69 na score sa 2026 WorldRiskIndex.

Saklaw ng index ang lahat ng 193 member states ng United Nations, na kumakatawan sa mahigit 99% ng pandaigdigang populasyon. Pumangalawa ang India sa score na 44.97, habang pangatlo ang Indonesia sa 44.63.

Mas mataas nang bahagya ang score ng Pilipinas ngayong taon kumpara sa 46.56 noong 2025, kung kailan nanguna rin ang bansa sa ranking.

Kinukuwenta ang WorldRiskIndex batay sa kombinasyon ng exposure ng isang bansa sa natural hazards at vulnerability ng lipunan, kabilang ang susceptibility at kakayahang tumugon at mag-adapt sa epekto ng mga sakuna at climate change.

Kabilang sa mga hazard na sinusukat ang lindol, tsunami, coastal at river flooding, cyclone, drought at sea-level rise.

Nakatuon naman ang 2026 WorldRiskReport sa mga bagyo at kung bakit maaaring magdulot ng magkakaibang epekto ang magkatulad na hazard depende sa vulnerability, preparedness at kakayahang makabangon ng isang bansa.

Ayon sa report, kabilang ang storms sa pinakamapaminsalang natural hazards at nagdudulot ang mga ito ng mas malaking economic losses kaysa sa iba pang weather-related extreme events.

Binigyang-diin din ng pag-aaral na hindi lamang mismong lakas ng hazard ang nagtatakda kung magiging malubha ang isang disaster, kundi pati ang kalidad ng early warning systems, imprastraktura, social protection at disaster preparedness ng mga komunidad. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here