Bulacan – Arestado ang tatlong indibiduwal nang mahulihan ng P24,956.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Meycauayan nitong madaling araw ng Setyembre 25.
Sa ulat ni PLTCOL Melvin Florida Jr, hepe ng Meycauayan police station. naaresto ang tatlong suspek na sina alyas “Didoy”, 35, alyas “Vane”, 27 at alyas “Comang”, 26.
Ayon sa ulat, naganap isinagawa ang police response ng mga pulis sa naiulat na pot session bandang 3:25 ng madaling araw sa Bagbaguin Road, Brgy. Bagbaguin.
Nakumpiska sa operasyon ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P24,956, isang cut-opened plastic sachet na hinihinalang shabu residue, folded aluminum foil strips na may hinihinalang shabu residue, dalawang disposable lighters.
Sinasabing nahulihan rin kay alyas Didoy ang improvised handgun o pen gun na kargado ng bala.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso na nasa kustodiya ng istasyon. Dick Mirasol III