Home OPINION SC ACTIONS SA IMPEACHMENT, SAAN PATUNGO? (2)

SC ACTIONS SA IMPEACHMENT, SAAN PATUNGO? (2)

1
0

HABANG tinitipa ito, may dalawa nang abogado ang nagsampa ng kaso sa Supreme Court (SC) laban sa desisyon ng Senate Impeachment Court (SIC) na ibaba sa 14 senador ang magdedeklarang nagkasala o guilty si Vice President Sara Duterte sa mga akusasyong tahasang paglabag sa Konstitusyon at pagtataksil sa tiwala ng taumbayan.

Kinontra nina Atty. Vic Rodriguez at Atty. Ernesto Francisco Jr. ang desisyon ng SIC na ang mga aktibong 20 lang na lumalahok sa paglilitis ang pupwedeng bumoto at hindi lahat ng 24 senador na miyembro ng Senado.

Initsapwera ng SIC sa pagboto ang 4 senador na 2 rito ang nakakulong, 1 ang hindi nagpapakita at 1 ang nasa ibang bansa.

Pinanindigan nina Rodriguez at Francisco na dapat 16 ang kinakailangang boto na katumbas ng 2/3 o dalawang katlo ng 24 miyembro ng Senado at hindi 20 na aktibo lang sa paglilitis dahil nanatili pa ring senador ang mga nakakulong, nagtatago at nasa ibang bansa.

Ibinatay ng mga petitioner ang kanilang paninindigan sa tadhana ng Konstitusyon sa Article 11, Section 3(6) na nagsasabing “Wala ni sinoman ang madedeklarang nagkasala nang walang pagsang-ayon ng dalawang-katlo ng lahat ng miyembro ng Senado”.

Hiniling ni Rodriguez sa SC na maglabas ito ng temporary restraining order (TRO) o pansamantalang pagpapatigil sa pagpapatupad ng nasabing desisyon habang hiniling ni Francisco ang “status quo ante order “ (SQAO ) o pagbabalik ng kalagayan bago ang isinagawang desisyon o pananatili ng 16 boto para sa deklarasyong nagkasala si VP Sara.

Pupwede namang ilabas ng SC nang magkasabay ang dalawang kautusang nito…kung may batayan sina Rodriguez at Francisco habang diringgin nito ang mga merito ng mga kaso.

Ngunit paano kung hindi maglabas ang SC ng TRO at/o SQAO at hindi rin ito maglabas ng desisyon sa merito o sustansya ng mga petisyon kahit makaraan ang araw ng deklarasyong guilty o inosente si VP Sara, lalo’t malapit nang matapos ang paglilitis?

Magkakagulo kaya? Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here