Home NATIONWIDE 2 gusali sa MSU-GenSan na napinsala ng lindol naayos na

2 gusali sa MSU-GenSan na napinsala ng lindol naayos na

2
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na napapakinabangan na ng mga estudyante at guro ang dalawang gusali sa Mindanao State University-General Santos City na matinding napinsala ng magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8.

Kasunod ito ng pag-inspeksyon nitong Lunes sa Graduate School at Infirmary Building, na kabilang sa pinaka-apektado ng lindol.

Ayon kay Dizon, natapos ang rehabilitasyon sa loob lang ng halos isang buwan matapos niyang atasan ang DPWH Region 12 na bilisan ang trabaho, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na unahin ang mga paaralan at ospital na nasira ng lindol.

Samantala, nananatiling hindi pa naaayos ang gusali ng College of Medicine.

Sinabi ni Dizon na handa ang gobyerno na tumulong sa retrofitting nito na aabutin ng tinatayang P129 milyon.

Kasama ni Dizon sa inspeksyon si dating senador at ngayo’y Anti-Poverty Commission Secretary Manny Pacquiao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here