Home NATIONWIDE Maling pagkakalagay ng flammable cargo, posibleng mitsa ng MV June Aster fire...

Maling pagkakalagay ng flammable cargo, posibleng mitsa ng MV June Aster fire — MARINA

1
0

MANILA, Philippines — Posible ang maling pagkakalagay na flammable cargo ang isa sa mga dahilan ng mabilis na pagkalat ng apoy sa MV June Aster, ayon sa paunang pagsisiyasat ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Gayunman, nilinaw ng ahensya na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at wala pang pinal na konklusyon sa sanhi ng trahedya.

Sinabi ng MARINA na kabilang sa tinitingnang posibilidad ang pagkakalagay ng mga cargo na maaaring madaling magliyab. Hiwalay ang imbestigasyon ng ahensya sa mga isinasagawa ng Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police.

Nauna nang sinabi ng PCG na magkakatugma ang salaysay ng ilang survivor hinggil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa barko, bagaman magkakaiba ang kanilang testimonya kung may narinig silang pagsabog bago o habang nagaganap ang sunog.

Hindi rin itinuring ng MARINA na napatunayan nang sanhi ng sunog ang electric vehicle na sakay ng barko. Noong Setyembre 18, sinabi ng ahensya na wala pang final finding na nag-uugnay sa naturang sasakyan sa pagsiklab ng apoy.

Nasunog ang MV June Aster noong gabi ng Setyembre 9 habang bumibiyahe mula Batangas patungong Coron, Palawan.

Sa pinakahuling opisyal na accounting na inilabas ng PCG, 77 ang nasawi, 43 ang nakaligtas at walo ang nananatiling nawawala mula sa 128 kataong nakumpirmang nakasakay sa barko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here