Home OPINION MAYOR BASTE DUTERTE, PRESIDENTIABLE?

MAYOR BASTE DUTERTE, PRESIDENTIABLE?

1
0

KUNG sinoman sa prosecution ang nag-suggest na iprisentang hostile witness ang kapatid ni Vice President Sara Duterte na si Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa impeachment court ay mukhang na underestimate niya ang kakayahan nito.

Pagpasok pa lamang sa Senado, pag-upo sa witness stand, tingin kay Manila 6th District Representative Benny Abante ay tila nakuryente na ang prosecution.

Cool, straightforward, matalim ang mga sagot sa mga tanong ng prosecution at senator judges nitong si Mayor Baste. Suma-total walang napala ang prosecution sa testimonya ng mama na ngayon ay tinatawag na “Leon ng Davao.”

Pero mukhang ipinakikita o ipinakikilala lamang ng mga Duterte na si Mayor Baste ang posibleng pumalit bilang presidential candidate sakaling ma-convict ang kanyang Ate Inday.

Pero sapat na ba ang nakita ng tao sa impeachment trial para sabihin na magiging magaling na presidente si Mayor Baste?

Hindi! Pero sapat na ito para magkaroon ng pag-asa na ma-convict man si VP Sara at hindi makatakbo sa 2028 Presidential Elections ay may kandidato pa rin na tatayo at lalaban upang mapanagot ang mga sangkot sa flood control scam lalo na ang mastermind nito.

Ito marahil ang sinasabi ni Atty. Florin Hilbay, dating Solicitor General, 1999 BAR Exam no. 1, at hindi DDS Lawyer na “careful for what you are wishing for ” na mas mainam na talunin na lamang ng mga galit kay Sara ang bise-presidente sa 2028 kaysa sa daanin sa impeachment para ma-disqualify siya sa pagtakbo bilang pangulo.

Dahil hindi lang si VP Sara ang pwedeng itapat kahit kanino o sinong kandidato ng kalaban. Baka lumabas pang mas malakas pa ang papalit.

Destiny raw ang maging presidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here