Home OPINION HUDASAN SA SENADO, LUMILIYAB

HUDASAN SA SENADO, LUMILIYAB

4
0

ISA sa mga lumiliyab na tsismis o usap-usapan sa Senado ang hudasan patungo sa mayorya o sa minorya.

Marami ang tinutukoy na malalaking dahilan, kabilang na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga posibleng kakampi kay Vice President Sara Duterte, bago o matapos ang Disyembre 16, 2026 na araw ng botohan kung hahatulan siyang nagkasala o hindi sa kasong impeachment.

Ang papabor kay VP Sara, nakabukas sa kanila ang pintuan ng Quezon City Jail sa Payatas bago pa maganap o matapos ang botohan sa anomang dahilan.

Ang magliligtas ng sarili sa kulungan ang maghuhudas.

Isa pang dahilan ang paniniwalang habang mabilis na lumalapit ang halalang presidensyal sa 2028, palala nang palala ang pagiging ‘lame duck’ o pagkainutil ng kasalukuyang Pangulo, lalo’t tadtad ito ng iskandalo sa korapsyon at pagiging adik sa droga, ayon mismo kay Senator Imee Marcos.

Maaaring matalo sa halalan ang sinomang itataas ang kamay ng Pangulo na kandidato sa pagka-Pangulo, Pangalawang Pangulo at senador sa 2028 mula sa hanay ng mga senador lalo’t posibleng magpasya laban sa kanila ang Mindanao at malaking bahagi ng Visayas na balwarte ni VP Sara.

Ang umaasang mananalo na kandidato ang maghuhudas din.

Isa pang dahilan na maaaring siyang pinaka: Matiyak ang bilang ng boto na tuluyang masibak sa pwesto si VP Sara at bawal nang humawak ng pwesto sa gobyerno kahit kailan, lalo’t bawal naman ang pagbibigay ng “absolute pardon” sa ma-impeach na opisyal.

Nagsimula na ito sa pagbaba mula sa 16 na boto batay sa lahat ng 24 miyembro ng Senado sa 14 na batay lang sa 20 senador na nakadadalo sa pagdinig sa impeachment.

Pipilitin pang pababain ang bilang ng mga senador sa 13 lang para magkaroon botong 9 lang para ma-convict o madeklarang nagkasala si VP Sara.

Sino-sino kaya ang mga maghuhudas para mangyari ito?

Tanong: Hindi kaya pagmumulan ito ng matindi at malawakang kaguluhan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here