Home OPINION DAMI NANG HIRAP, NARIYAN PA NCAP

DAMI NANG HIRAP, NARIYAN PA NCAP

4
0

ANG hirap-hirap ng buhay. Napakaraming bayarin. Bayarin sa bahay, sa kuryente, tubig, matrikula ng mga bata at marami pang iba. Ang sinusweldo, napupunta lang sa mga bayarin at utang.

Hindi na makahinga, lalo kung mahirap ka, sa dami ng binabayaran.

@@

Yung ibang may kakayahan kahit papaano, bumili ng sasakyan upang hindi na mamasahe at mapabilis ang pagdating sa pupuntahan.

Pero talo rin sa mataas na presyo ng gasolina. Talo na sa gasolina, talo pa sa trapik. Anak ng saltik!

@@

At heto pa, ibinalik ng mga mayor ng Metro Manila ang ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP). Dagdag sa sakit sa ulo ng mga may sasakyan.

Sabi ng mga may sasakyan, haytek na pangongotong ito sa kanila na mga bumibiyahe sa kalsada. Bakit kamo?

Kinukunan ng camera ang biyahe mo sa kalsada. Pag-tsek sa kompyuter, may penalty ka na.

Aba’y nariyan pa nga ang mga nakaabang o nakatanghod na mga traffic enforcer na nag-aabang ng kita, dumagdag pa itong NCAP.

Panibagong iskema na naman ng panggagatas sa mga motorista.

@@

Wala sanang problema kung may NCAP. Pero wala na sanang kotong na mga pulis-trapik.

Wala na sanang obstruction sa mga kalsada. Walang lubak, walang baha.

At syempre, wala nang patay-sinding traffic light… Na nagsisilbing trap para sa HULIDAP.

@@

Hindi naman talaga mahirap ang buhay. Humihirap lang dahil nariyan ang kung ano-anong pahirap.

Mga sistema na hindi natin kontrolado.

Katulad nitong NCAP na kumokontrol sa atin para tayo ay pahirapan. Ang masasabi mo na lang tuloy, nakapapagod na. Ngunit tuloy lang ang laban sa buhay.

Bahala rin sila sa buhay nila na mga nagsasamantala sa masa. Kaya nga lagi nating sinasabi na may NAKATINGING BATHALA…

At saka BATAS NG KARMA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here