Home NATIONWIDE DOJ, OADR, IBP nagsanib-pwersa sa mas mabilis na hustisya

DOJ, OADR, IBP nagsanib-pwersa sa mas mabilis na hustisya

3
0

MANILA, Philippines – Lumagda ang Department of Justice (DOJ), Office for Alternative Dispute Resolution (OADR) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa tripartite memorandum of agreement (MOA) para palakasin ang alternative dispute resolution (ADR) sa bansa.

Layunin ng kasunduan na mailapit sa mga Pilipino ang mas mabilis, abot-kaya at flexible na paraan ng paglutas ng mga legal dispute sa labas ng korte, kabilang ang mediation, legal advice at tamang referral.

Ayon kay Undersecretary Margaritas N. Gutierrez, palalakasin ng partnership ang proseso ng pagsusuri, pagre-refer at, kung nararapat, paglutas ng mga kaso sa pamamagitan ng mas accessible na opsyon tulad ng mediation.

Pagdudugtungin ng kasunduan ang serbisyo ng DOJ Action Center, technical expertise ng OADR at nationwide network ng IBP. Kabilang din dito ang pagsasanay ng mas maraming accredited ADR practitioners.

Sinabi ni IBP National President Atty. Allan G. Panolong na pormal nitong inaayos ang service collaboration ng IBP at DOJ Action Center, kasunod ng mga inisyatiba tulad ng Katarungan Caravan.

Ayon sa DOJ, makatutulong ang programa na mabawasan ang tambak na kaso sa mga korte, mapababa ang gastusin ng mga mamamayan at maisulong ang diyalogo at kompromiso bilang daan tungo sa kapayapaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here