Home OPINION BIR REGION VI MANILA: REGISTRATION SEAL BADGE SA ONLINE SELLERS AT INFLUENCERS,...

BIR REGION VI MANILA: REGISTRATION SEAL BADGE SA ONLINE SELLERS AT INFLUENCERS, EXTENDED

2
0

MULING naglabas ng mahalagang paalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Region VI sa pamumuno
ni Regional Director Michael Remir H. Macatangay ng Region VI Manila para sa lahat ng kumikita o
nagpapatakbo ng negosyo sa internet.

Alinsunod sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 99-2026, binigyan ng BIR ng karagdagang
palugit hanggang October 31, 2026 ang mga online sellers, digital merchants, e-commerce platform
operators, at content creators upang maipaskil ang kanilang BIR Registration Seal Badge sa kanilang
mga ginagamit na digital platforms, social media pages, at websites.

Binigyang-diin ni Revenue District Officer (RDO) Richard O. Go ng RDO-30 (Binondo) na ang
obligasyong ito ay sakop ang lahat ng anyo ng digital commerce at online services batay sa Revenue
Regulations (RR) Nos. 7-2024 at 15-2024. Karaniwang itinatanong ng marami kung kailangan pa ring
magparehistro kahit baguhan pa lamang o wala pang kinikita.

Nilinaw ni RDO Go na kahit bago pa lamang na influencer, nag-uumpisang online seller, o kasalukuyang
walang kita (zero income), mandatory pa rin ang pagpaparehistro sa BIR at ang pagkuha ng Registration
Seal Badge.

Ayon sa BIR, ang rehistrasyon at pagpapakita ng badge ay hindi nakabatay sa laki ng kita kundi sa
mismong pagsisimula ng operasyon o pag-aalok ng produkto at serbisyo online. Ang pagkakaroon ng
opisyal na badge sa inyong store front o profile page ay nagsisilbing patunay sa mga mamimili at
followers na ang inyong platform ay legal, may integridad, at sumusunod sa batas ng bansa.

Sa ilalim ng itinaguyod na RMC No. 99-2026, idinagdag ni RDO Go na sa loob ng extension period
hanggang Oktubre 31, 2026, walang ipapataw na parusa o penalty dahil lamang sa hindi pa pagpapakita
ng badge. Gayunman, nilinaw ng opisyal na ang palugit ay para lamang sa display requirement at hindi
nangangahulugang suspendido ang mismong obligasyon na magparehistro sa BIR at sumunod sa iba
pang tax requirements.

Hinihikayat ni RD Macatangay ang mga online entrepreneurs, freelancers, at digital creators, lalo na ang
mga sakop ng Region VI Manila na gamitin ang panahong ito upang suriin ang kanilang Certificate of
Registration (eCOR), maayos na maipaskil ang BIR Seal Badge, at gamitin ang mga online registration
facilities ng BIR bago sumapit ang huling araw ng Oktubre.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here