Home HOME BANNER STORY Diesel, posibleng bumaba; gasolina, tataas

Diesel, posibleng bumaba; gasolina, tataas

4
0

MANILA, Philippines – Inaasahang bababa ng P1.80 hanggang P2 kada litro ang presyo ng diesel, habang tataas naman ng P2 hanggang P2.20 kada litro ang gasolina sa susunod na linggo.

Batay ito sa apat na araw na galaw ng Mean of Platts Singapore (MOPS) at palitan ng piso kontra dolyar, ayon sa source mula sa industriya ng langis.

Ayon sa source, bagama’t humina ang presyo ng langis dahil sa planong pagpapalabas ng reserbang langis at pagbawi ng suplay mula sa Middle East, nagdudulot pa rin ng pangamba ang mga pag-atake sa tanker at tumitinding tensiyon sa rehiyon.

Nakaapekto rin sa presyo ang paghinto ng produksyon ng langis at gas sa Gulf of Mexico dahil sa paparating na bagyo, na posibleng makaapekto sa kapasidad ng mga refinery sa Estados Unidos.

Noong Oktubre 6, tumaas ng P1.90 hanggang P1.93 kada litro ang gasolina at P3.30 ang kerosene, habang bumaba naman ng P1.30 ang diesel.

Dahil sa 40 paggalaw ng presyo ngayong taon, umabot sa kabuuang netong pagtaas na P71.59 kada litro ang gasolina, P64.83 ang diesel at P61.99 ang kerosene.

Ayon pa sa source, nananatiling mahigpit ang suplay ng diesel dahil sa suspensiyon ng China sa fuel exports at pagbaba ng produksyon ng mga refinery sa Russia at Middle East. Sinusuportahan din ng malakas na demand at mababang imbentaryo ang presyo ng gasolina sa Asya.

Karaniwang inaanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na pagbabago ng presyo tuwing Lunes, na ipinapatupad kinabukasan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here