Home OPINION PONDO NG PAG-IBIG AT LUPA NG BCDA, PINAGSAMA PARA SA MGA MANGGAGAWA

PONDO NG PAG-IBIG AT LUPA NG BCDA, PINAGSAMA PARA SA MGA MANGGAGAWA

2
0

ISANG malaking hakbang tungo sa pagtugon sa pambansang pangangailangan sa pabahay ang
isinagawa ng Pag-IBIG Fund at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa
pamamagitan ng paglalagda ng Memorandum of Agreement noong Oktubre 8, 2026 sa
Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Ang makasaysayang kasunduan na natapat sa National Shelter Month ay direktang
sumusuporta sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (Expanded 4PH) Program ni
Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa pamamagitan ng modelong ito, pinagsasama ang mga idle
o bakanteng lupain ng pamahalaan at ang abot-kayang pondo ng Pag-IBIG Fund upang
makalikha ng mga de-kalidad na komunidad para sa mga manggagawang Pilipino.

Ayon sa pamunuan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa
ilalim ni Secretary at Pag-IBIG Fund Board Chairman Jose Ramon P. Aliling, ang inisyatibong ito
ay patunay ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa utos ng Pangulo na tiyaking bawat
pamilyang Pilipino ay magkaroon ng maayos at ligtas na tirahan.

Bukod sa paunang 14 na ektarya sa New Clark City (Bamban at Capas, Tarlac) na nakalaan para
sa "walk-to-work" township at Government Center, tinukoy rin ng BCDA at Pag-IBIG Fund ang
iba pang strategic locations para sa mga susunod na phase ng proyekto. Kabilang dito ang mga
lupain sa Camp John Hay sa Baguio City, Morong Discovery Park sa Bataan, at ang Poro Point
Freeport Zone sa La Union.

Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene C. Acosta, ang layunin ng proyekto ay lumagpas sa
simpleng pagpapatayo ng bahay. Nais ng Pag-IBIG na makatulong sa pagpapababa ng araw-
araw na gastusin ng mga miyembro sa pamamagitan ng pag-iwas sa matinding trapiko at
mahabang biyahe, upang mas magkaroon sila ng sapat na oras para sa kanilang mga pamilya.

Binigyang-diin naman ni BCDA President at CEO Joshua M. Bingcang na patuloy nilang ilalaan
ang mga lupain ng gobyerno sa mga proyektong may direktang pakinabang sa mamamayan. Sa
pamamagitan ng Expanded 4PH Program, titiyakin ng BCDA at Pag-IBIG Fund na ang mga
proyektong ito ay maihahatid sa loob ng termino ng kasalukuyang administrasyon upang
magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng mga pamilyang Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here